Scary Place In The Philippines | Based In My True to Life Story

scary place in the philippines
This is based to my true to life story.
May nilalang nga ba na nakatira sa isang Hotel sa IloIlo City? Based on my experience last October  15, 2016 around 5:30 in the afternoon.Mag che-check in kami ng aking kasamahan sa isang Hotel sa IloIlo City Main Road. Mas mainan na wag banggitin ang Hotel para sa aking ikaka-buti.
Pagpasok palang namin sa loob ng Hotel sinabi ko isa sa kasamahan ko na bakit ganito ang bldg. nila sa hagdanan palang nakaka-kilabot na dahil sa luma na ang hagdanan at bitak-bitak pa ang pintura, para kakong isang bldg. sa Maynila na abondona.

Pag akyat namen sa kwarto ng nasabing bldg. Nililinas pa ang kwarto ng aking mga kasama room 403 dahil ang guest kaka check out lang. Matapos tinanong ko kung saan ang aming kwarto at sinabi sa akin na room 407 ang aming tutulugan ng isa sa mga kasamahan namin.

Itinanong  ko din na bakit ito malapit sa kitchen ng hotel, at paran masikip ang lugar pagpasok sa kwarto at mainit.

Matapos linisin ng housekeeping ang room 403 dali dali na pinuntahan ang room namin sa 407 at sumama ako para ilagay ang akinv gamit at para ito’y linisin na. Sarado ang kwarto. Kinatok niya ito, ngunit walang sumasagot (wala na ang guests dito)

Binuksan ng housekeeping ang kwarto dahil may dala-dala itong susi (duplicate), ngunit ng itoy buksan, naka-lock parin ito (may 2nd lock sa itaas ng door knob), kami ay kumatok ng dalawang beses sabay sabi na “Housekeeping”.

Maya-maya itoy binuksan ang 2nd lock, dahil sa pagkakaalam namin itoy walang tao sa loob, pumasok na kame sa loob agad-agad ng housekeeping para icheck at sino ang nagbukas ng pinto na 2nd lock.

Sa aming pagpasok walang tao sa loob ng kwarto, at dali-dali akong lumabas at tinawag ko ang isa sa aking kasamahan kung nasaan siya? Jeff! Dito ako sa baba ng hotel… Bakit? Hindi ko masabi ng deretcho sa kanya sa telepono habang naka hold siya kinuwento ko nalang ang buong pangyayari sa iba pa naming kasamahan at kinilabutan sila

Ang housekeeping tuloy sa paglilinis ng kwarto at sabi niya sa akin wala yun Sir, kako paanong wala yun? “Sini magbubukas ng 2nd lock kung walang tao dun.” Sabi ko sa kanya “wag ako wag ako, sinong magbubukas niyan? Ang kasamahan ko nasa baba.” Sa sobrang takot at panginginig ko lumabas ako, at tulalang namumutla.

TO BE CONTINUED..Sa inyong palagay anong experience ang nangyari sa amin sa lugar na ito? Share your reactions below

The Blogger Philippines

Just call me "Jeff" - A travel and lifestyle blogger based from the world class tourist destination and famous white sand beach in Aklan (Boracay Island, Philippines). Licence Regional Tourist Guide in the Philippines by (DOT) Department of Tourism Region V1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!